
SWS: 85% ng mga Pinoy ang takot pa ring mahawa ng COVID-19
Sa huling pagtatala ng Social Weather Station (SWS) sa kanilang isinagawa na September 17-20 National Mobile Phone Survey – Report No. 3: Nananatili sa 85% ang mga Pinoy na takot pa rin mahawa ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, lumabas sa isinagawang survey na nananatili pa rin sa 85% ang mga Pilipino na nababahala o takot pa ring mahawa ng virus o (63% dito ay sobrang takot at 22% naman ay medyo nabahala), 9% naman nagsasabi na nababahala sila ng bahagya at 6% naman na ngasasabi na sila ay hindi takot na mahawa ng COVID-19 at kahit pa mahawaan pa sila sa kanilang pamilya.
Hindi ito nalalayo sa ginawang survey noong Hulyo 2020 na parehong 85% ang nababahala o takot na mahawaan ng COVID-19 o (67% worried a great deal, 18% somewhat worried), 8% bahagyang nababahala, at 7% naman ang hindi takot na mahawaan sila ng naturang virus sa nakalipas na SWS survey.
Aniya, mas nababahala ang mga Pinoy na mahawaan ng COVID-19 kaysa mahawaan ng Ebola, Swine Flu, Bird Flu, at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ang nasabing SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-conduct ng mga impormasyon thru mobile phone and computer-assisted telephone interviewing (CATI) na may 1,249 adult Filipinos (18 years old and above) nationwide: 309 sa Metro Manila, 328 sa Luzon, 300 sa Visayas, at 312 naman sa Mindanao.
Samantala, sa huling pagtatala ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 update ngayong araw. Nakapagtala nang 309,303 total confirmed cases, nadagdagan naman ito ng 2,025 na bagong kaso ngayong araw, nasa 252,900 mahigit na ang mga nakarecover habang 290 naman ang bagong gumaling, at 5,448 na ang namamatay habang nadagdagan naman ito ng 68 na bagong mga namatay sa naturang sakit ngayong araw. (RBM)
