
HINARANG ng mga mambabatas ang tangkang pagbibitiw sa pwesto ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano bilang Speaker.
Matindi ang ‘political drama’ kahapon, Setyembre 30, sa kamara na binansagan pa nang mga netizen na mala- ‘K-Drama’ kuno ang nangyari sa kongreso matapos ibasura ng mga kongresista ang inihain na ‘resignation’ ni Alan Peter Cayetano na siya ay magbibitiw na sa pwesto upang bigyang daan ang liderato ng kahati nito sa pwesto na si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.
Bago pa man ito ay ikinuwento ni Cayetano ang napag-usapan nila ni Pangulong Duterte kasama si Velasco. Aniya, hiniling ni Cayetano na patapusin lamang ang budget hanggang Disyembre ngayong taon. Saad pa ni Cayetano na crucial daw ang 2021 budget dahil sa pandemya. Kaya naman hiling din nito na ipagpaliban na muna ang “TERM SHARING AGREEMENT” nila ni Velaco hanggang Disyembre.
Nanindigan naman si Velasco na dapat mag-resign si Cayetano sa Oktubre 14 at matuloy ang term sharing at maluklok sa pwesto si Velasco.
“Mr. President, I will resign on Oct. 14 let me clarify Mr. President. He needs to get the votes…[tumayo lang siya (Velasco)], umiling-iling lang si Pangulo [Duterte], sabi ko kay Mr. President, under constitution you need the majority of all members to be elected Speaker so I can step aside but, I cannot guarantee he will be elected in fact, I will make a fearless forecast, hindi siya mananalo or if I step aside mananalo siya, after one week maco- coup d’etat siya, bakit? Maraming popular sa kongreso. Sabi ko, Lord [Velasco] sorry ha, Covid e, nagtago ka e, ‘di ko alam kung nasa aircon ka na hotel o nasaan ka ba? Kami nasa distrito namin, kami nandito.” pahayag ni Cayetano.
Ayon pa kay Cayetano, no show si Velasco sa mga mahahalagang kaganapan lalo na ngayong may pandemya at hindi niya [Cayetano] kasalanan na hindi sinuportahan si Velasco ng mga kongresista dahil wala ito lagi sa pagharap sa kamara.
Samantala, nanaig ang boto ng mga kongresista sa hatol na 184; 1 ang abstained; at 9 ang NO sa mga kongresista na bumoto para manatili sa pwesto si Cayetano na tatagal hanggang 2022 sa kanyang nagpapatuloy na paninilbihan sa bayan. (Rex Molines)