Banner Story

Disconnection Notice ng Meralco, tuloy na tuloy na ngayong Nobyembre

TULOY NA ang paglalabas ng ‘Disconnection Notice’ ng Meralco ngayong Nobyembre.

Nagpaalala naman ang Energy Regulatory Commission (ERC) na bawal magputol ng kuryente kung walang ilalabas na disconnection notice.

Dahil dito, nagprotesta naman ang concern group na Power4People Coalition sa ilang tanggapan ng Meralco dahil may anomalya sa singil noong Marso hanggang Mayo.

Aniya, hiling ng grupo na isuspindi ang pamumutol ng kuryente sa darating na Nobyembre at magkaroon ng moratorium sa nasabing mga buwan sapagkat hindi raw ito makatarungan para sa mga residential consumers.

Agad naman itong pinabulaanan ni Joe Zaldarriaga, Spokesman ng Meralco na hindi sila maaaring gumawa ng mga hakbangin na hindi akma sa batas.

Ayon naman sa ERC na hindi sakop dito ang dalawang buwang grace period sa ilalim ng Bayanihan 2 o mga bayaring naipon mula Marso, Abril, Mayo, Hulyo, at Agosto.

“Yung bill na ibinigay ng September 15 hanggang October ‘yun ang may palugid na 30 days hindi yung mga nakaraan. Ito bagong palugid sa mga bagong bills,” sabi ni Chairman Agnes Devanadera, ng Energy Regulatory Commission sa isang interbyu sa TV Patrol.

Dagdag pa ng ERC Chairman na hindi basta-basta lang magpuputol ng kuryente na walang ipinipakitang disconnection notice.

Samantala, nagbabanta naman na magtaas ng bahagya ang singil ng Meralco ngayong Oktubre. #DM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.