Patron Saint of the Internet: Carlo Acutis, na-beatify na

0 0
Read Time:1 Minute, 15 Second
Carlo Acutis, Patron Saint of the Internet

ASSISI ITALY — Na-beatify na ang 15-anyos na millennial na si Carlo Acutis nitong Oktubre 10, (Oktubre 11 naman sa Pilipinas).

Si Acutis ay ipinanganak sa London noong Mayo 3, 1991, ang kanyang mga magulang ay parehong Italyano at nanirahan sila sa Milan.

Sa murang edad pa lamang ni Acutis ay matatag na ang kaniyang relasyon at debosyon sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa mga mabuting nagawa nito sa ibang tao lalung-lalo na ang pagtulong nito sa mga mahihirap na ikinagulat naman nang kaniyang pamilya na hindi naman masyadong relihiyoso.

Gaya nang isang ordinaryong bata, si Acutis ay mahilig ding maglaro ng computer games, marunong gumawa at mag-edit ng mga video content, at dahil sa hilig nito ang pagkokompyuter ay ginamit niya ang kanyang kahusayan sa paggawa ng sarili nitong website kung saan ay puro mga milagro at gawaing pang simbahan ang kanyang ibinabahagi rito. Aniya, nais ni Acutis na maging daan para maibahagi ang salita ng Diyos at mga mabuting gawain para sa lahat. Ang debosyon ng batang Acutis ay katangi-tangi na siyang hinangaan nang lahat sa kabila nang pinagdadaanan nitong sakit. Namatay ang batang Acutis sa sakit na leukaemia noong 2006.

Sa kaugnayan, tuwing Oktubre 12 ang magiging kapistahan ni Blessed Acutis, ayon sa apostolic letter ni Pope Francis.

https://www.channelnewsasia.com/news/world/italy-teen-saint-carlo-acutis-beatified-catholic-church-13250456?cid=FBcna

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: