
SULTAN KUDARAT, Philippines –– Pinalaya ngayong-araw ng Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU) sina Mayor Andy Agduma at Municipal Administrator Engr. Roelle Aradanas ng bayan ng Lambayong sa probinsya ng Sultan Kudarat matapos na maging “negatibo” ang resulta ng kanilang “COVID-19 test.”
Ayon sa sertipikasyon na ipinalabas ng MESU, sinabi nito na ang dalawa ay “based on the COVID-19 decision tool, the above-mentioned (referring to Mayor Agduma and Engr. Aradanas) did not developed any signs and symptoms to COVID-19.”
Isinagawa ng MESU ang pag-test sa dalawang opisyal ng Lambayong matapos ang kanilang “14 days quarantine.”
Napag-alaman ng DIYARYO MILENYO na sumailalaim sa kwarentina ang dalawang opisyal matapos na maging positibo ang umanoy ilang mga empleyado ng munisipyo.
Ayon sa sertipikasyon na ipinalabas ng MESU, ang dalawang opisyal ay “fit to travel” na.
Ipinoste ni Engr. Aradanas ang resulta ng kanilang COVID-19 testing para baliin (pabulaanan) yung mga “tsismis” na hindi ito nagpailaim sa kwarentina.
“Sa mga tsismoso at mga tsismosa na nakakita daw sa akin, laya na po kami!” sabi ni Engr. Aradanas sa fb account nito. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Engr. Roelle Aradanas)

You must be logged in to post a comment.