
Political Prisoner na si Reina Mae Nasino, may 3 oras lang para masilayan ang kanyang namayapang sanggol
WALA NANG MAS SASAKIT PA SA NARARAMDAMAN NG ISANG INA NA MAKITA NIYA ANG KANYANG ANAK NA MAAGANG NAMAYAPA.

BINIGYAN ng Korte ng tatlong oras si Political prisoner na si Reina Mae Nasino para makadalo sa burol ng kaniyang anak na si Baby River ngayong araw, Oktubre 14.
Una nang binigyan ng tatlong araw na pagbisita si Nasino sa kanyang sanggol na nakaburol ngunit ito ay binawasan at ginawa na lamang na dalawang araw na pagbisita mula ngayong araw, Oktubre 14 at sa 16 dahil na rin sa pandemya at limitadong pag-escort kay Nasino.

Maaari lamang siyang bumisita sa oras na itinakda mula 1:00PM ng hapon hanggang 4:00PM ng hapon bawat araw, ayon na rin sa salaysay ng Kapatid, isang organisasyon na sumusuporta sa mga Aktibista na naka-ditini.
Matatandaan na ipinagbubuntis ni Nasino si baby River habang siya ay nakakulong. Namatay ang kanyang sanggol sa sakit na pneumonia. [📸: Kapatid]