SMC President and COO Ramon Ang, wagi sa 11th Asia CEO Awards 2020

Read Time:1 Minute, 28 Second

“Now is not the time to hold back. Rather, now is the time to go all out. Our country’s future depends on us.”

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Image: PhilNews

Mariing pahayag ni Mr. Ramon Ang, matapos na magwagi at kilalanin bilang top honors sa pinaka prestihiyosong business awards event na ginanap nitong Martes, Oktubre 13.

Si Mr. Ang ay kilala bilang President and COO ng San Miguel Corporation. Natanggap ni Mr. Ang, ang Lifetime Contributor Award for the Private Sector sa 11th Asia CEO Awards 2020. Isa sa pinakamalaking business awards sa Pilipinas at Southeast Asia kung saan ay taun-taong katuwang nila ang PLDT Enterprise sa pagkilala sa pinaka natatanging kumpanya.

Isa sa mga sinilip nang mga board of judges ay ang mahusay na pamumuno at inisyatibong pagtugon sa pandemya ni Mr. Ang sa SMC bilang Philippines’ top diversified conglomerate at isa sa pinaka malaking kumpanya sa bansa.

“His company is also instrumental in the various crucial infrastructure projects that help our country not just to recover but also leads us to soar even higher in terms of creating jobs, stimulating economic activities, public image, and building trustworthy reputations.” saad ni Architect Jun Palafox, isa sa mga hurado.

Pinalawig ni Mr. Ang, ang kanyang negosyo mula beer making at food manufacturing hanggang imprastraktura, kalakaran sa langis, real estate at sa industriya ng enerhiya.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Ang, nakapag generate ang San Miguel Corporation ng 5.9% gross domestic product sa bansa at nasa mahigit 60,000 manggagagawa naman ang kasalukuyang nagta-trabaho sa naturang kumpanya.

Sa kaugnayan, isa rin sa mga magaganda at matagumpay na proyektong pang imprastraktura ang inanunsyo ni Mr. Ang patungkol sa completion ng bagong Skyway Structure na magkokonekta sa Southern at Northern Luzon Expressways. (Ni Rex Molines)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Political Prisoner na si Reina Mae Nasino, may 3 oras lang para masilayan ang kanyang namayapang sanggol
Next post More than 200 IP families in Sultan Kudarat province benefit from the PNP’s “Handog Pasasalamat sa Birthday Ko”

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: