“What I see is, wash in po siya, hindi wash out.” – Usec. Antiporda

Read Time:1 Minute, 2 Second
Image: credit to the owner

Sa gitna nang kumakalat na mga larawan ng Manila bay dahil umano’y tila nilamon ng dagat at winalis ng tubig ulan ang artificial white sand sa Manila Bay nitong Miyerkoles, Oktubre 14.

Agad na nag-inspeksyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang Korte Suprema sa Manila Bay.

Image: ABS-CBN

Pinangunahan nina Environment Secretary Roy Cimatu kasama si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang pagsilip sa synthetic white sand sa bahagi ng Manila Bay.

Dinepensahan naman ito ni Environment Undersecretary Benny Antiporda ang crushed dolomite sa Manila Bay. Aniya, paliwanag nito na hindi na-wash out ang crushed dolomite sand kundi nag-wash in o natabunan ito ng itim na buhangin mula sa dagat.

“What I see is, wash in po siya, hindi wash out. Hindi nabawasan ang dolomite, nadagdagan ng black sand from the sea. Sa ilalim ng dagat, umangat,” sabi niya.

Hindi naman nagkomento si Peralta sa isyu ng dolomite dahil may nakabinbing mosyon ang grupong Akbayan sa Korte Suprema laban sa kontrobersyal na pagtatambak ng buhangin doon.

Gayunman, ipinagpasalamat naman ni Peralta ang pagtatayo ng sewerage treatment plant sa Manila Bay na lumilinis ng tubig mula sa tatlong (3) estero sa kalakhang Maynila.

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post More than 200 IP families in Sultan Kudarat province benefit from the PNP’s “Handog Pasasalamat sa Birthday Ko”
Next post SEC ADVISORY: Three more groups soliciting investments from the public without necessary licenses

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: