Banner Story

Mahigit P6-B halaga ng iligal na droga, sinunog sa Cavite – PDEA

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE — Mahigit P6-B halaga ng iligal na droga ang sinunog sa Trece Martires City, Cavite kahapon, Oktubre 15 bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Pinangunahan ni Wilkins Villanueva, ang Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsasagawa ng pagsira sa bilyun-bilyong halaga ng naturang droga sa nasabing probinsya ng Cavite.

Paulit-ulit namang sambit ng PDEA na walang nare-recycle na droga sa Cavite kung saan nagtipon-tipon ang ahensya at kasamang mga taga media para ipakita sa lahat ang pagsunog sa naturang droga.

Ang mga drogang nasabat ng ahensya na may timbang na mahigit 1400 kilos ay mula sa Metro Manila at iba pang probinsya na ang ilan ay nakaimbak pa noong 2011.

Ipinasok sa isang chamber ang mga drogang nakumpiska para sa thermal decomposition na inaasahan na tatagal ng 24 oras.

Samantala, mananatiling hamon pa rin ito sa PDEA ang pagsugpo sa droga dahil sa inilabas na pag-aaral ng Dangerous Drugs Board na may mahigit 2 milyong Pilipino pa ang patuloy na gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa bansa.

Ayon pa sa DDB, mas mababa raw ito kumpara noong 2016 nang magsimula ang Duterte Administration na mayroong higit 4 million drug users. (RBM | Cavite desk)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.