Tunghayan ang kwento ng kalusugang Pilipino.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Inihahandog ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) ang ika-29 na Pambansang Kumperensiya na pinamagatang “Hunágay: Pagsasakasaysayan ng Pangangalaga sa Kalusugang Pilipino.” Gaganapin ang kumperensiya sa Oktubre 24, 30, at Nobyembre 7 at mapapanood ito sa Pambansang Kumperensiya Facebook Live at sa National Quincentennial Committee Portal.
Samahan at pakinggan ang mga eksperto at akademiko mula sa iba’t-ibang larangan sa pagtuklas ng pinagmulan at kasaysayan ng medisina at kalusugang pampubliko sa Pilipinas. Kasama rin sa tatalakayin ang kasalukuyang estado ng Pilipinas sa ilalim ng pandemiya.
Sa kabila ng new normal, ipinagpapatuloy ng UP LIKAS ang pagsusulong ng isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan. Makasaysayan ang kumperensiya sa taong ito dahil sa unang pagkakataon ay isasagawa ito online at LIBRE ANG REGISTRATION.
Bukas para sa lahat ang ika-29 na pambansang kumperensiya! Dumalo at alamin ang kasaysayan ng kalusugang Pilipino.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng Pambansang Kumperensiya at ng UP LIKAS. Maaari ring magpadala ng mensahe o katanungan sa uplikaskumpe@gmail.com.
Ang Hunágay 2020 ay sa pakikipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Quincentennial Committee (NQC), at UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA). Pinasasalamatan din ang Ateneo University Press at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ito ay hatid din sa inyo ng mga media partners – INQUIRER.net, InqPOP, Panahon TV, Diyaryo Milenyo, Assortedge, at DZUP 1602.
Ang Hunágay 2020 ay bilang pakikipagkaisa sa Local Historical Committees Network (LHCN) at sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines. (PRESS RELEASE)