ESPESYAL

Guro sa Cavite, nagmaniobra ng e-jeep para maipaabot ang printed learning modules sa kanilang mga estudyante

Image: Official Facebook account of Teacher Hannah Sanchez

IMUS CITY, CAVITE — Dahil sa hindi nagkasya sa loob ng e-jeep ang grupo ng mga gurong ito sa Imus Cavite, isa sa kanila ay nagkusang magmaniobra ng e-jeep para mapuntahan ang kani-kanilang mga mag-aaral sa Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Teacher Hannah Sanchez

Nagkusang imaniobra ni teacher Hannah Sanchez ang kanilang sinasakyan na e-jeep para sa kanyang mga kapwa guro upang mapuntahan at mabisita ang kanilang mga estudyante sa naturang lalawigan nitong Biyernes, Oktubre 16.

Sakabila nang nararamdamang pananakit ng katawan o kasu-kasuan ni Teacher Hannah (walang sintomas ng COVID-19), sinikap nitong magmaneho ng e-jeep para mapuntahan ang kani-kanilang mag-aaral sa mga kabahayan nito.

Image: Official Facebook account of Teacher Hannah Sanchez

Laking pasasalamat naman ng mga kapwa guro kay Teacher Hannah na sakabila nang nararamdamang pananakit ng katawan nito ay ligtas at maayos nilang nabisita ang mga estudyante para maabutan ng mga modyul at alamin ang lagay ng mga bata sa kanilang mga kabahayan sa kabila nang pandemya at mahigpit na pinaiiral na health protocol sa Cavite.

“Dahil ‘di kami kasya sa e-jeep, I became the service driver for one whole day to these beautiful ladies during our scheduled home visit kahapon. I was having lower backpain 3 days prior, salamat sa magnesium at pahid-pahid..ok naman na, [Yumuko lang po ako tapos parang may nag crack sa likod, halos di makatayo sa sakit, 👵😂]” pahayag ni Teacher Hannah sa ipinoste nito sa kanyang Facebook account.

“Kaya whole day ako kasi madami kami grade 1 kaya may isang set sa umaga isang set ng teachers sa hapon na pinag-drive ko, para social distancing pa rin sa loob ng e-jeep, para safe. Di kami pumapasok sa bahay. Hindi lahat ng bata pinuntahan namin, ‘yung mga may problema lang like ‘di nagpaparamdam kahit nakakuha na ng module at yung ‘di talaga nakakuha ng module.” Dagdag pa ni teacher Hannah na nakapanayam ng Diyaryo Milenyo nitong Linggo sa pamamagitan ng Fb messenger.

Matatandaan na itinurn-over ng lokal na pamahalaan ang e-jeep sa mga kinatawan ng mga paaralan sa mahigit 30 public schools sa Imus City, Cavite para mamahagi ng mga printed learning modules na kailangan ng kanilang mga estudyante ngayong nagsisimula na ang home schooling o ang tinatawag na blended learning sa bansa. (Ni Rex Molines)

Narito ang video clip ni teacher Hannah Sanchez habang minamaniubra ang hawak nitong e-jeep. Panoorin:

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.