
Bagyong “Pepito” nananalasa ngayon sa silangang bahagi ng Central Luzon

Tinatahak ngayon ng Tropical Depression “Pepito” ang kanluran-hilagang-kanluran na may bilis na 25 km/h na magdudulot ng pag-ulan sa buong bahagi ng Aurora-Isabela ngayong gabi. Ang lakas ng hangin nito ay nanatili sa 55 km/h at ang bugso naman ay 70 km/h.
Sa pagtatala ng DOST, paiigtingin ni bagyong Pepito ang kanyang lakas at maaring maging severe tropical storm ito sa darating na Huwebes. At magpapaulan din sa malaking bahagi ng Luzon at tatahakin ang West Philippine Sea bukas ng umaga.
Mananatiling maulan o heavy to moderate sa mga lugar nang; Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.

Light to moderate naman sa mga lugar ng buong bahagi ng Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Zambonga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, ilang bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.
Samantala, tinatantiya na ang mata o sentro ng bagyo ay namataan sa layong 375km East of Infanta, Quezon o 385 km silangang bahagi ng Baler, Aurora kaninang 7:00 AM ng umaga.
Inaasahan naman na lalabas ng bansa si Pepito sa Huwebes ng umaga, Oktubre 22. (Rex Molines)
Bisitahin ang official Facebook page ng DOST_pagasa para sa latest update patungkol sa lagay ng panahon.
https://www.facebook.com/PAGASA.DOST.GOV.PH/