SHOWBIS ATBP.

Alex Gonzaga at ilang miyembro ng kanilang pamilya, nagpositibo sa COVID-19

Naging emosyonal si Alex Gonzaga nang malaman niya na nagpositibo silang mag-anak sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ibinahagi ni Alex, isang actress, singer, comedian, vlogger at TV Host ang naging journey nang kanilang pamilya patungkol sa COVID-19. Aniya, nakaramdam siya ng mga sintomas kagaya ng panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain at nawalan din siya ng panlasa.

Nilinaw din ni Alex ang dahilan kung bakit hindi siya lumalabas sa bagong noontime show ng TV-5 na Launch Out Loud dahil sa nangyaring pagkakasakit ng COVID-19.

Ipinagpasalamat naman ng aktres na ang kanyang mga magulang ay walang masyadong naranasang sintomas dahil parehas na umanong senior citizen ang kanyang mga magulang.

Bukod sa kanyang mga magulang nahawahan din ang kasama nila sa bahay na si Sophie at pati na rin ang kasintahan ni Alex na si Mikee Morada.

Sabi pa ng aktres, isa sa mga kasamahan nila sa bahay ang kumain sa labas at ito ang nakahawa sa kanila.

“Nakuha namin siya out of pagkain sa labas. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours pagbalik niya siguro don niya nakuha ‘yung COVID. Ang una pong nahawa sa amin which thank God she is very asymptomatic, is my mom.”

Samantala, hindi naman nahawa sa COVID-19 ang kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga dahil nakabukod naman sila ng inuuwiang bahay.

Advertisement

Categories: SHOWBIS ATBP.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.