
Miss Universe Philippines 2020, kinoronahan na

KINORONAHAN na ang Miss Universe Philippines 2020 ngayong araw, Oktubre 25.
Tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya Mateo ng Iloilo City. Si Bb. Mateo ang napiling representante ng Pilipinas para ilaban sa pinakamalaking beauty pageant sa buong mundo, ang Miss Universe pageant.
Inuwi rin ni Mateo ang Best in Swimsuit.
Samantala, ika 4th runner up naman si Bb. Billie Hakenson ng Cavite, 3rd runner up naman si Bb. Pauline Amelinckx ng Bohol, 2nd runner up si Bb. Michele Gumabao mula Quezon City, at 1st runner up naman si Ysabella Ysmael ng Paranaque City.
Sa Q&A portion, humarap sa dalawang katanungan ang top 5 contenders, isa sa mga naging katanungan ay ang, “The pandemic has made clear our priorities, essential or non-essential. Where do pageants stand in this time of crisis?” (DM)