
Saan ka patungo, o kababayan ko?
Landas ba na pinili’y, para sa kalayaan mo?
Nang huli kitang makita’y taas pa rin ang iyong kamao. Mabagsik ang mukha ngunit bakas sa iyong mata ang pagkalito.
Bigla kang nawala pagkadaka
Paglipas ng ilang panahon sumambulat ang balita
Ika’y may hawak na armas kasama ng iba pa
Ikaw pala’y nakiisa sa armadong pakikibaka.
Di doon nagtatapos ang iyong kwento
Hinanap ka pala ng iyong mga magulang na nanlulumo
Ngunit di mo pansin ang kanilang pagsusumamo
Sabi mo “hanap ko’y tunay na pagbabago”
Sabi mo, nais mo ng kalayaan, ‘Yan din ang sabi ko noon nang ako’y nasa kilusan. Ngunit di ko nakita’t nahagilap sa loob ang salitang yan,
Ramdam ko nga’y ako’y nasa isang makitid na kulungan.
Marami nang nagbago, kababayan! Mga dating kasama’y umalis na sa kilusan Sila’y tumutulong ngayon sa pagbubuo ng ating bayan Na s’ya n’yo namang binabasag ng walang pakundangan.
Ang hanap nating pagbabago’y di makukuha sa dahas Napatunayan ito ng nakalipas na limang dekada ng pag-aaklas Kung kaya’t kababayan ika’y kailangan ng lumabas Makiisa sa sambayanan na tunguhin ang mapayapang landas.
Akda Ni: MR. NOEL LEGASPI, also known as “Ka Efren” was a former spokesman of the CPP-NPA operating in Far South Mindanao Region. He surrendered to the government last year. He is peacefully living now somewhere in Mindanao.