
NCR at 6 na lugar isinailalim sa GCQ ni Pangulong Duterte mula Nobyembre 1 – 30

SINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa general community quarantine mula Nobyembre 1 hanggang 30.
Sa naging talumpati ng Pangulo ngayong Martes ng umaga, ang mga lugar na under GCQ ay ang;
- National Capital Region
- Batangas
- Iloilo City
- Bacolod
- Iligan City
- Lanao del Sur
Kinakailangang makipag-ugnayan sa mga local government units sa mga nabanggit na lugar kung saan ipinapataupad ang proposed community quarantine classifications na ito.
Aniya, karamihan sa mga LGUs ay nagpakita ng magandang resulta sa pagbaba ng COVID-19 cases.
“We are not here to make your life miserable or sad. We are here to make your life comfortable and to make you happy,” sabi ng Pangulo.
“What’s the point of sige kayo daldal dyan? So what’s the point of working these figures if it does not do anything good? Pero kung maniwala kayo, para sa inyo ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo. (DM)