LGU-Datu Piang nagpasa ng ordinansa kontra COVID-19

Read Time:1 Minute, 20 Second

DATU PIANG, Maguindanao (BARMM) — Nagpasa ng isang anti-COVID-19 na ordinansa ang bayan na ito para mas mapa-igting pa nito ang kanilang ginagawang mga hakbang laban sa nasabing nakakamatay na sakit, kung saan pumatay na ng libo-libong mga pinoy sa ibat-ibang mga bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay LGU-Datu Piang Mayor Victor Samama, nagpasa ang Sangguniang-Bayan (SB) nila ng isang ordinansa, kung saan ipinagbabawal ang lumabas at pumunta sa kung saan na walang face mask at face shield.

“Ang mahuli na lumabag ay magmumulta ng P500,” ayon Kay Mayor Samama.Iginiit ni Mayor Samama na malaki ang posibilidad na mahawaan ng sakit na COVID-19 ang isang tao kung wala wala itong sout na proteksyon sa kanyang katawan. Kasama din sa nasabing ordinansa ay ang pagsunod ng “social distance” policy.

“Iniiwasan natin ang posibleng pagkalat kaya ang LGU-Datu Piang ay nagpasa ng ganoong ordinansa,” giit ni Mayor Samama.

Ayon kay Mayor Samama, maliban sa nasabing ordinansa, marami rin silang ginawang mga “anti-COVID-19 efforts” para maseguro na mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit at ang ilan sa kanilang mga ginawa ay ang pagpapatayo ng “isolation facilities” para sa LSI at ROF nila.

Umapela si Mayor Samama sa mga residents ng LGU-Datu Piang na sumunod sa mga polisiya at mga patakaran na ipinapatupad ng provincial government ng Maguindanao at ng IATF ng gobyernong-nasyonal.

“Let us fight the COVID-19 as one people of Datu Piang. Kung tulong-tulong tayo, walang imposible,” sabi ni Mayor Samama. (RASHID RH. BAJO/Photos credit to Bayang ng Datu Piang FB account

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kaso ng COVID-19 sa ‘Pinas, umakyat na sa 376,935
Next post SEC-Davao warns lenders anew as NPC tightens privacy law implementation

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: