
399-bed capacity na hospital ng probinsya ng Sultan Kudarat binuksan na

SULTAN KUDARAT, Philippines — Binuksan na ang sinasabing “pinakamalaki” at “pinakamaganda” na provincial hospital sa boung rehiyon ng Central Mindanao na ipinatayo ng probinsya ng Sultan Kudarat.
Sa “soft opening ceremony” nito na ginanap noong October 12, 2020, personal ito na dinalohan ng mga opisyal ng probinsya, sa pangunguna ni Governor Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD, at ng kanyang ama na si Sultan Pax Mangudadatu, Al Haj.
Dumalo rin si Governor Bai Marian Sangki-Mangudadatu ng probinsya ng Maguindanao bilang suporta nito sa kanyang mister na si Governor Teng Mangudadatu at sa kanyang biyenan na si Sultan Pax Mangudadatu na dating gobernador at kongresista ng nasabing probinsya.
Maging ang mga miyembro ng Sangguniang-Panlalawigan (SP), head of offices ng provincial government, partner agencies at mga doktor ay dumalo rin sa nasabing seremonya na kinonsidera nila na isang “very historic moment.”
Ang nasabing provincial hospital ay sinasabi na magiging isang “state of the art hospital facility” dahil lalagyan ito ng probinsya ng moderno at mamahaling mga hospital equipment na ang layunin ay tugunan ang lahat na “health needs” ng mga residente ng probinsya.
Ayon kay Governor Teng Mangudadatu, hindi lamang mga mamamayan ng kanyang probinsya ang mabibigyan ng serbisyo ng bagong provincial hospital nila kundi pati ang mga residente na mula sa ibat-ibang bahagi ng Region 12 at BARMM.
Pinasalamatan ni Governor Teng Mangudadatu ang lahat na mga opisyal ng gobyerno, mga doktor at lahat ng na health workers na dumalo sa nasabing seremonya.
Ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO, naging posible ang pagtatayo ng nasabing pagamutan dahil sa mga inisyatibo at mga hakbang na ginawa nila Sultan Pax at Governor Teng. (RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA)