Balita

PCIC, inihahanda na ang P1-B Aid Typhoon-hit para sa mga Magsasaka at Mangingisda

Image: Office of Civil Defense

Dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Quinta at Rolly sa bansa, PCIC babayaran ang mga insured farmer at fisherfolk sa mga kabuhayang napinsala dulot ng mga bagyong tumama sa mga affected regions sa bansa.

Ito ang report na natanggap ni Agriculture Secretary William Dar.

Sinabi ni Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) President Jovy Bernabe na kanilang tutugunan ang mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan upang makaahon at makapagsimulang muli sa kani-kanilang hanap-buhay.

Sa inisyal na pagtataya ng ahensiya, ang farm losses ay umabot sa P1.01 bilyon.

Kumakatawan ito sa tinatayang pinsala sa standing rice, corn at high-value crops (HVC) sa mahigit 95,100 ektarya at halos 2,000 maliliit na fisheries projects kabilang ang mga bangka sa 30 lalawigan.

Ang HVC ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa P668.97 milyon; ang bigas ay nagtala ng P285.05 milyon; mais, P6.15 milyon; ang poultry at livestock damage ay nasa P38 milyon; habang ang fisheries naman ay pumalo sa P15.37 milyon.

Ang Bicol region ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na aabot ng P638 milyon; sumunod ang MIMAROPA na may P150.46 milyon; at CALABARZON na may humigit kumulang na P98 milyon.

Humambalos naman ang pinsala sa Central Luzon at Cagayan Valley sa halagang P52.65 milyon at P75.25 milyon, base sa pagkakasunod nito.

Samantala, inatasan na ni Dar ang regional at head office staff ng PCIC na bilisan ang pagsasagawa ng insurance adjustment activities at ang pagbabayad ng claims.

Ang bilang ng insured farmers at fishers ay nasa 77,471. (DM / Rex Molines)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.