
BFP-Shariff Aguak nagsagawa ng “disinfection activity” sa “graveyard’ ng mga pasyente na namatay sa COVID-19

SHARIFF AGUAK, Maguindanao (BARMM) — Nagsagawa ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan na ito ng “disinfection activity” kahapon (Nov. 9) sa “graveyard” (or libingan) ng mga pasyente na namatay sa sakit na “COVID-19 related deaths” sa Barangay Limpongo sa bayan ng Datu Hofer sa probinsya ng Maguindanao.
Ayon kay Senior Inspector Ronald Ali M. Ampang, BFP municipal fire marshal ng Shariff Aguak, isinagawa nila ang disinfection matapos na ang isang pasyente na galing sa bayan na ito ay namatay.
Sinabi ni Senior Inspector Ampang na ang nasabing aktibidad ay “part of the protocol observed on safe management of deceased bodies and burial of confirmed Covid-19 patients.”
Ayon pa kay Senior Inspector Ampang, ang provincial government, sa ilalim ng pamamahala ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, at ni Mayor Marop Ampatuan ng Shariff Aguak ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang at mga epektibong mga inisyatibo para maging ligtas ang “decontamination facilities” at maiawasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
“We continually remind the public to continue observing minimum health protocols. Avoid non-essential travel, wear face masks and face shield, frequent handwashing and social distancing,” sabi ni Senior Inspector Ampang sa pinoste nitong mensahe sa fb page ng BFP-Shariff Aguak.
Patuloy rin na umaapela si Mayor Marop Ampatuan sa mga residente na sumunod sa mga patakarang-pangkalusugan na ipinapatupad ng munisipyo, ng probinsya at ng IATF para maging ligtas sila sa nakakamatay na sakit na COVID-19. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to the BFP-Shariff Aguak)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
FSCC AND FSPC PRINCIPALS COME TOGETHER FOR THE RELEASE OF PH’s 2022 FINANCIAL STABILITY REPORT
The release of the 2022 Financial Stability Report was highlighted by the presence of the principals of both the...
Corona’s consequences – how the Pandemic is changing globalization
by Bernadeth Barillos A quote once said, “If you stay positive in a negative situation, you win.” But with...
Go Lokal Buyers’ Day:
Go Lokal Buyers' Day: DTI renews its support to homegrown micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at the Buyers’ Day event held at...
FINANCIAL STABILITY AUTHORITIES DISCUSS FRONTIER RISKS IN NEW NORMAL
Federal Reserve Bank of Cleveland (FRBC) President and CEO Loretta J. Mester and Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Senior...
LGU Requests for MB Opinion Decelerated in S1 2022
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), in its continued commitment to transparency and good governance, releases information on the issuance of Monetary Board opinion...
Exporters and Export Enablers Exhibit opens today!
PASAY— The DTI-Trade Promotion Group (TPG), Export Development Council (EDC), and the Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT), opened the Exporters...