
Mga residente natutuwa sa “beautification program” ni Mayor Samama sa bayan ng Datu Piang

DATU PIANG, Maguindanao (BARMM) — Natutuwa ngayon ang mga residente sa bayan na ito dahil sa ginagawang mga hakbang ng munisipyo ng Datu Piang, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Victor Samama, upang mas lalo pa itong mapaganda at mapaunlad.
Umaani ngayon ng mga papuri si Mayor Samama sa ‘’social media” dahil sa mga “development initiative” at mga proyekto na direktang makaka-benepisyo sa mga mamamayan nito.
At ang isa sa mga ginagawang hakbang ni Mayor Samama ay ang pagpapaganda ng kanilang municipal plaza.
“Town plaza is the convergence center of the people. It needs to be improved to make it more beautiful,” sabi ni Mayor Samama.
Ayon kay Mayor Samama, ang paglalatag ng mga hakbang para mapaganda ang kanilang “town plaza” ay bahagi ng kanyang “clean and green program” kung saan ang layunin nito ay ipakita sa ibang mga tao ang kalinisan at kagandahan ng bayan ng Datu Piang.
Naniniwala kasi si Mayor Samama na ang isang malinis at maganda na lokalidad ay salamin ng kabutihan at kalinisang-puso ng mga mamamayan nito.
“Samahan po ninyo ako sa marami pang mga pagbabago na aking ilalatag sa bayan ng Datu Piang. Let us work together for the good and the interest of Datu Piang,” apela ni Mayor Samama sa mga mamamayan nito.
Dahil sa nakikita nitong mga pagbabago sa bayan ng Datu Piang, pinuri ito ng netizen na si Tukan Lino, kung saan sinabi nito na “congratulations to all the LGU officials headed by Mayor Victor Piang Samama for the beautifications of Datu Piang. Subhana Wata Allah bless you all and your families.”
Napahanga naman ang netizen na si Bailyn Bayao ng makita nito ang “improvements” sa kanilang plaza.
“Wow Mashaallah Sigay ka Datu Piang,” sabi ni Bailyn Bayao. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Shine Ka Datu Piang fb page)

About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
FSCC AND FSPC PRINCIPALS COME TOGETHER FOR THE RELEASE OF PH’s 2022 FINANCIAL STABILITY REPORT
The release of the 2022 Financial Stability Report was highlighted by the presence of the principals of both the...
Go Lokal Buyers’ Day:
Go Lokal Buyers' Day: DTI renews its support to homegrown micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at the Buyers’ Day event held at...
FINANCIAL STABILITY AUTHORITIES DISCUSS FRONTIER RISKS IN NEW NORMAL
Federal Reserve Bank of Cleveland (FRBC) President and CEO Loretta J. Mester and Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Senior...
LGU Requests for MB Opinion Decelerated in S1 2022
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), in its continued commitment to transparency and good governance, releases information on the issuance of Monetary Board opinion...
Exporters and Export Enablers Exhibit opens today!
PASAY— The DTI-Trade Promotion Group (TPG), Export Development Council (EDC), and the Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT), opened the Exporters...
FSCC ASSESSES CURRENT GLOBAL MARKET CONDITIONS AS IT HIGHLIGHTS DOMESTIC STRENGTH
[caption id="attachment_27486" align="aligncenter" width="819"] In the photo, FSCC Chairman and BSP Governor Felipe M. Medalla (third from right) is with...