3 patay matapos gumuho ang pader ng istrakturang ginagawa sa Dasmariñas Cavite

Read Time:1 Minute, 21 Second
Image from the Official Facebook page of Cong. Pidi Barzaga

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

GUMUHO ang pader ng isang istrakturang ginagawa sa Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite kaninang madaling araw dahil sa magdamagang pag-ulan at hanging dala ng bagyong Ulysses.

Napag-alaman na ang gusaling ginagawa ay pag-aari ng Polytechnique Mfg., Inc. sa nabanggit na lugar.

Base sa nakuhang report, gumuho ang pader ng gusaling ginagawa bandang alas-5:00 ng umaga. Habang na-retreived ang katawan ni Jomer Blessrio (construction worker) kaninang alas-10:30 ng umaga sa pangunguna ni Reynor Calzado ng CDRRMO, sa tulong ng Brgy. Officials na pinamunuan ni BC Laudato, Fire Department headed by Col. Atienza at katuwang ang PNP Dasmarinas sa pangunguna ni COP Richard Ang.

Dinala si Blessrio sa Pagamutan ng Dasmariñas at ligtas na siya ngayon.

Sa nakalap na impormasyon, may 4 katao ang nalibing ng buhay. Kabilang dito si Blessrio at ang mag-anak na doon naninirahan din. Napag-alaman na mag-asawa at isang anak na 2 taong gulang ang nailibing ng buhay sa gumuhong pader.

Na-retrived na ang katawan nang mag-anak subalit patay na ang mga ito ng makuha ang kanilang mga katawan kaninang hapon. Dinala sila sa magkaparehong pagamutan para ideklera ng pormal ang kanilang pagkamatay sa naturang insidente.

Nakuha naman ang mga pangalan ng pamilyang nasawi dahil sa mga ID nito. Hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng mag-anak.

Samantala, Sinabi naman ni Cong. Pidi Barzaga na magsasagawa ng ocular inspection bukas ang kanilang lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City kung may pagkukulang ang may-ari ng naturang gusali. (Ni Rex Molines via Cavite desk)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post KILLER CAKE: Dalawang madugong pangyayari sa Cavite na parehong iisa ang dahilan, ang Cake.
Next post Councilor in Koronadal City gives solar lights for residents living on top of a mountain

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d