#BagyongUlysses Update

Read Time:1 Minute, 12 Second

Patuloy ang rescue operations sa ating mga kababayan sa mga lugar na lubusang naapektuhan at nasalanta ng bagyong Ulysses sa magdamagang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon. Samantala, bagyong Ulysses nakatawid na ng Luzon at binabagtas na ang West Philippine Sea.

  • Ilang lugar sa malaking bahagi ng Metro Manila lubog sa baha.
  • Bahagyang humina na ang pagbuhos ng ulan sa Marikina ngunit hindi pa rin nahupa ang tubig baha matapos umapaw ang tubig sa Marikina River partikular sa Providence Village, Tumana, Malanday sa Marikina City. Maging sa Cainta at Rodriguez Rizal.
  • Water level sa Marikina river, umabot na sa 22 meters kaninang madaling araw.
  • Panahon sa Quezon City, bumubuti na matapos magpakita ng haring araw kaninang tanghali.
  • Nagdulot din ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbugso ng hangin sa ilang bahagi ng Batangas, Laguna, at Cavite areas.
  • Signal ng linya ng mga landline at mobile networks humina sa ilang mga lugar sa NCR at karatig probinsya.
  • Suplay ng kuryente sa Tarlac inaasahang maibabalik matapos ang 2 oras.
  • Pitong lugar sa Luzon nanatili sa signal no.1 . Signal no. 3 nakataas pa rin sa limang lugar.
  • Bagyong Ulysses nakatawid na ng Luzon at binabagtas na ng bagyo ang West Philippine Sea.
  • Physical distancing hindi naisagawa ng maayos sa pagsaklolo sa mga kababayan nating inililikas hanggang sa mga sandaling ito.
  • Mahahalintulad ang #bagyongulysses2020 sa bagyong Ondoy na nagpalubog din sa buong Marikina noong 2009. [📷: credit to the owners]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kaso ng COVID-19 sa ‘Pinas, umakyat na sa 401,416
Next post Sanggol inilagay sa palanggana para mailikas sa banta ng baha dulot ng bagyong Ulysses
%d bloggers like this: