KILLER CAKE: Dalawang madugong pangyayari sa Cavite na parehong iisa ang dahilan, ang Cake.

Read Time:1 Minute, 36 Second

Magugunitang noong Oktubre 20, 2020 ganap na alas-7:10 ng gabi sa tapat ng Jollibee, Epza Rosario, Cavite binaril sa likod gamit ang isang Caliber 45, ang biktimang si Gregorio Bunio, 19 taong gulang, isang factory worker sa Epza.

Agad namatay ang biktima habang sugatan naman ang kasama nito na si Junnue Catapang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bibili lamang sana ng cake ang biktima bilang blowout nito sa kanyang mga supervisor matapos na ito ay ma-promote sa trabaho, subalit nagkaroon ng away-trapiko buhat sa sinasabing suspek na naging dahilan nga ng pamamaril.

Habang noong Nobyembre 06, 2020 ganap na ala-1 ng hapon sa Brgy. Pulo, Cavite City ng maganap muli ang isang madugong barilan sa pagitan ng alagad ng kapulisan at sibilyan.

Kinilala ang suspek na si Methusael Cebrian na namatay din matapos na makipagbarilan sa mga alagad ng Highway Patrol Group ng PNP.

Sa naging imbestigasyon ng pulisya, nasita ang sinasakyan ng lalaki at driver nito dahil sa walang plaka at walang maipakitang anumang dokumento o kahit lisensya man lamang.

Hindi naging handa ang alagad ng batas-trapiko sa balak ng lalaki kaya isa sa hanay nila ang nalagas at 2 ang sugatan. Habang patay din ang nasabing suspek.

Ayon sa driver ng suspek, matapos na sumuko sa PNP ay bibili lamang umano sila ng suspek ng cake ng araw na iyon dahil kaarawan ng panganay na anak nang maganap ang engkwentro.

Ano nga ba ang kwento sa likod ng cake, nagkataon lang ba? O may nakatitindig balahibong kulay tsokolate sa panglabas na anyo nito na tila kulay din ng isang umaagos na dugo buhat sa tama ng baril.

Sa parehong dahilan, ang cake na sana’y regalo ay nauwi sa mainitang pagtatalo at engkwentro. Dalawang madugong eksena, sa magkaibang kadahilanan. Isang humihingi ng hustisya at isang naging mitsa ng pagkawala ng isang alagad ng pulisya. (Ni Sid Luna Samaniego via Cavite desk)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Sanggol inilagay sa palanggana para mailikas sa banta ng baha dulot ng bagyong Ulysses
Next post 3 patay matapos gumuho ang pader ng istrakturang ginagawa sa Dasmariñas Cavite
%d bloggers like this: