Sanggol inilagay sa palanggana para mailikas sa banta ng baha dulot ng bagyong Ulysses

Image: Facebook post from Ms. Romelyn Tabalno

Dahil sa tindi ng pagbuhos nang magdamagang pag-ulan sanhi ng #BagyongUlysses sa malaking bahagi ng Luzon.

Inilagay ang munting sanggol na ito sa isang palanggana upang mailikas sa banta ng baha at ang kanilang pamilya dulot ng bagyong Ulysses.

Aniya, ito raw ang mainam na paraan para maitawid ang walang kamalay-malay na sanggol sa banta ng baha na animo’y dinuduyan lamang ang munting anghel ng kanilang pamilya.Nakapanayam ng Diyaryo Milenyo ang ina ng sanggol na si Ms. Romelyn via Fb messenger.

Aniya, safe na raw sila at ang kaniyang baby.Sa ngayon ay nangangailangan sila ng pinansyal na tulong para sa kanyang 2 sanggol at pagkain.

“Safe na po si baby…Sana lang po. Need po namin ng financial support or needs po ng dalawang baby ko po. Nakalikas na po kami Sana lang di tangayin lakas ng hangin at ulan po dito sa kubo . Sana kahit konting tulong lang po. Mraming salamat po.”

Ngayon ay nanunuluyan sila sa maliit na kubo at umaasang hindi ito tangayin ng malakas na hangin kung sakaling bumuhos muli ang tuloy-tuloy na pag-ulan. [Ni Rex Molines]

*Para sa mga nais mag-abot ng tulong para sa baby ni Romelyn at ng kanilang pamilya, maari ninyong imessage si Ms. Romelyn sa kanyang Facebook account na nasa ibaba:

https://www.facebook.com/rhealyn.tabalnođź“·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.