SHOWBIS ATBP.

Derek Ramsay at Andrea Torres, break na

HIWALAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa boyfriend nito na si Derek Ramsay. Ito ay matapos kumpirmahin ng malapit sa actress.

Kahit na ang kumpirmasyon ng break up ng magboyfriend ay nanggaling sa malapit na kakilala ng aktres. Mainam pa rin na ito ay dapat manggaling kina Derek at Andrea nang mabatid ng mga tagahanga nila kung ito nga ba ay talagang totoo.

Dahil sa maraming tagahanga ang dalawang Kapuso stars, ang netizens mismo ang unang nakapansin na tila may problema sa relasyon nina Derek at Andrea dahil burado na sa Instagram account ng aktres ang mga larawan nila ng kanyang boyfriend.

Hindi na rin follower si Andrea ng Instagram account ni Derek, pero nananatiling naka-follow ang aktor sa dalaga.

Umaasa ang fans nina Derek at Andrea na sana ay simpleng tampuhan lamang ang nagyayari sa kanila at maayos nawa nila kung anumang pinagdadaanan ng dalawa.

Ikinagulat naman ng ilang mga artista ng GMA-7 ang balita tungkol sa breakup nina Derek at Andrea.

Sinabi rin nina Derek at Andrea sa magkahiwalay na interbyu na handa na silang lumagay sa tahimik. Pero tila hindi na ito mangyayari.

Sa ngayon ay parehong tahimik sina Derek at Andrea tungkol sa isyu ng diumano’y pagwawakas ng kanilang relasyon na una nilang inamin sa publiko noong Setyembre 25, 2019.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.