KAMPUS

Ilang pamantasan sa Metro Manila, suspendido ang klase dahil sa iniwan ni Ulysses

Image: Propertyasia.ph

Suspendido ang klase sa ilang Unibersidad sa Metro Manila dulot ng lamat na iniwan ng bagyong Ulysses.

Nauna nang kinansela ng Ateneo De Manila University ang kanilang klase mula ika-16 hanggang ika-21 ng Nobyembre dahil sa isinagawang online mass student strike na pinirmahan ng higit 150 mag-aaral.

Image: The GUIDON

Sa kanilang liham, isinaad nila na ang ugat ng kanilang strike ay dahil sa kapabayaan ng gobyerno sa nagdaang bagyong Ulysses, Rolly at Tonyo. Binigyang-diin din nila ang inkompetinsiya ng administrasyon sa pagtugon laban sa pandemya.

Suspendido rin ang klase sa University of Santo Tomas mula ika-16 hanggang ika-21 ng Nobyembre.

Image: University of Sto. Tomas

Ikinasa naman ng University of the Philippines System ang recovery week mula ika-16 hanggang ika-21 ng Nobyembre sa kadahilanang maraming estudyante, guro at staff nito ang naapektuhan ng nasabing bagyo.

Image: UP Office of the Student Regent

Ipinagpaliban din ang klase sa De La Salle – College of Saint Benilde mula ika-17 hanggang ika-21 ng Nobyembre at Technological Institute of the Philippines mula ika-17 hanggang ika-25 ng Nobyembre at ikinasa ang academic break.

Kanselado rin ang synchronous at asynchronous na klase sa Polytechnic University of the Philippines mula ika-16 hanggang ika-27 ng Nobyembre.

Habang ang ilang pamantasan sa Maynila ay patuloy nang nagkansela ng klase, isinusulong naman ng ilang progresibong grupo ang panawagan para sa academic break ng mga institusyon sa Hilagang Luzon.

Ayon sa datos na nalikom mula sa iba’t ibang rumesponde matapos ang bagyo, umabot na sa 69 ang naitalang namatay dahil sa bagyong Ulysses.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang iba’t ibang relief operations at donation drives na isinasagawa sa Cagayan, Isabela, Tugegarao, Rizal at Marikina. (Ni VIVIENNE AUDREY ANGELES)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.