Balita

MAYNILAD may panibagong emergency water interruption

UPDATE UKOL SA SUPPLY NG TUBIG: NAGLABAS ng anunsyo ang Maynilad Water Services Inc., sa kanilang official Facebook page para sa kanilang mga konsyumer sa panibagong emergency water interruption nito na magsisimula bukas, Nobyembre 18.

Bunsod ng mataas na turbidity ng raw water na pumapasok sa kanilang mga planta simula noong manalasa ang bagyong Ulysses at magdulot ng matinding pagbaha sa Marikina nitong Huwebes hanggang sa kasalukuluyan, halos napuno na ng sludge o putik ang kanilang mga basin.

Ayon kay Engr. Ronald Padua, head of Maynilad Water Supply Operations, kinakailangan na kanilang linisin ang nagbarang putik sa kanilang mga daluyan o planta upang tuluyan nang maibalik sa normal ang volume ng tubig na dapat nilang pinu-produce.

Aniya, pansamantalang magbabawas ng produksyon ng tubig ang kanilang mga planta simula bukas Nobyembre 18 natatagal hanggang Nobyembre 24.

Sa inilabas na abiso, tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ng kanilang mga water tankers sa mga apektadong lugar upang makapag-deliver ng malinis na tubig.

Sakaling bumalik naman ang water supply sa inyong mga tahanan, maaaring malabo o may kulay ang unang buga ng tubig. Mainam na ito ay padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ang inilalabas nitong tubig at walang amoy kalawang.

Para sa mga karagdagang impormasyon at mga lugar na posibleng mawalan pa ng suplay na tubig, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Maynilad Water sa link na ito;

https://www.facebook.com/MayniladWater

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.