Big time price adjustment sa petrolyo itinaas kahapon, mga motorista umaray

Read Time:57 Second

BUMUNGAD sa mga motorista ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahapon, Nobyembre 17.

Sa inilabas na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kanilang gasolina ay tumaas ng P1.05 kada litro, diesel ng P1.55 kada litro at kerosene ng P1.30 kada litro.

Magpapatupad din ng kaparehong price adjustments ang Petron Gazz at Phoenix Petroleum Philippines Inc., maliban sa kerosene na hindi nila ibinibenta.

Itinaas ang adjustments kahapon ng alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya nabanggit at kahapon ng alas-4:01 ay itinaas na rin ng Cleanfuel ang presyo ng kanilang gasolina sa P1.05 kada litro at diesel P1.50 kada litro.

Samantala, umaaray naman sa price adjustments ng petrolyo ang mga motorista. Isa na nga dito si kuya Arnel, jeepney driver na nakapanyam ng Diyaryo Milenyo kahapon habang binabagtas namin ang kahabaan ng West Avenue, Quezon City.

Aniya, huwag nang itaas pa ang presyo ng petrolyo bagkus ibalik na muna sa mas mababang presyo ito kaysa pagdusahan pa ng mga pampubliko at pribadong motoristang bumabyahe araw-araw habang patuloy pa rin tayong humaharap sa pandemya. (Ni Rex Molines)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post MAYNILAD may panibagong emergency water interruption
Next post Maricaban Island Diving Resort Exploring Anilao’s Secret Dive Spots

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: