
Kaso ng COVID-19 sa ‘Pinas, umakyat na sa 412,097

PUMALO na sa 412,097 kabuoang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Nadagdagan ito nang bagong kaso na may bilang na 1,383 ngayong araw.
Nadagdagan naman ng 143 ang mga bagong gumaling ngayong araw na may kabuoang bilang na 374,666.
Samantala, naitala naman ngayong araw ang mga bagong nasawi sa COVID-19 na may bilang na 95, kaya naman umakyat na ito sa 7,957 kabuoang bilang ng mga nasawi sa naturang virus sa bansa.
Patuloy na nagbibigay paalala ang Department of Health (DOH) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang mga sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito.
Aniya ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mapatupad at maisagawa pa rin ang physical distancing, pagsuot ng face mask at face shield sa bawat lokal na pamahalaan at mga barangay maging ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa iba’t ibang lugar partikular sa buong Luzon.