PROBINSYA

Bilanggo nakatakas matapos utusang mag-igib ng tubig sa labas ng jail facility

(Image: Police Regional Office 8)

Isang person deprived of liberty (PDL) ang nakatakas matapos utusang mag-igib ng tubig sa labas ng isang sub-provincial jail sa lungsod ng Calbayog, Samar.

Kinilala ang bilanggo bilang si Jerry Dealagdon, 35, mula sa Sta. Margarita, Samar.

Ayon sa pulisya, inutusan nila si Dealagdon alias ‘Bunong’ kasama ang dalawa pa nitong kasama na mag-igib ng tubig sa labas ng pasilidad. 

Bumalik ang dalawang hindi pinangalanang PDL na hindi kasama si Dealagdon.

Nakatakas umano ang bilanggo noong Martes, 11:41 ng umaga.

May kasong 2 counts ng murder, attempted murder at frustrated murder si Dealagdon.

Kasalukuyang pinaghahanap na ng kapulisan si Dealagdon.

Naki-usap din sila sa publiko na ipagbigay-alam sa awtoridad ang anumang impormasyon ang makalap tungkol kay Dealagdon. (Ni. Vivienne Audrey Angeles)

Categories: PROBINSYA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.