COVID-19 PH

Kaso ng COVID-19 sa ‘Pinas, umakyat na sa 413,430

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,337. May kabuong bilang na 413,430 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

286 naman ang nadagdag sa mga bagong gumaling ngayong araw na may kabuoang bilang na 374,939 (90.7%).

Samantala, naitala naman ngayong araw ang mga bagong nasawi sa COVID-19 na may bilang na 41, kaya naman umakyat na ito sa 7,998 (1.93%) kabuoang bilang ng mga nasawi sa naturang virus sa bansa.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, 30,493 o 7.4% ang aktibong kaso nito sa ngayon.

Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin official Facebook page ng DOH na nasa ibaba;

Categories: COVID-19 PH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.