UP, tatanggalan ng pondo dahil diumano sa “academic strike” – Duterte

Read Time:1 Minute, 33 Second

Metro Manila — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang tatanggalan ng pondo ang University of the Philippines (UP) dahil sa pagsasagawa diumano ng “academic strike” ng mga estudyante laban sa kapabayaan ng kanyang administrasyon sa pagsugpo ng COVID-19, kakulangang suporta sa mga mag-aaral at ang mga bagyong dumaan sa bansa.

Sa isang mensahe ng Pangulo sa telebisyon, nalungkot ang Pangulo na pinuna ng mga estudyante ang kanyang pamahalaan at sinambit nito na dapat silang (estudyante) tumigil sa pag-aaral.

“Maghinto kayo ng aral. I will stop the funding. Wala nang ginawa itong mga ano kundi mag-recruit ng mga komunista diyan,” pahayag ni Duterte.

“Tapos nag-aaral kayo. Gusto niyo bira-birahin ang gobyerno. Masyado naman naka-swerte kayo. ‘Wag talaga kayong matakot. Manakot, rather, because I will oblige you,” dagdag pa ng Pangulo.

“You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry. That is the worry of the government. Kami, sabi ko, nagtatrabaho kami. Government workers kami. Anong silbi namin dito mag-upo lang kundi gumalaw para sa tao?” saad ng Pangulo.

Gayunman, tiniyak ni Duterte na ang kanyang pamahalaan ay nagtatrabaho upang tulungan ang mga biktima ng mga nasalantang bagyo sa bansa at ang pagbagsak ng ekonomiya at panlipunang epekto nito at ang pagharap sa coronavirus pandemic.

“At ‘yung ganoong mga threat, huwag kayong pumasok. I suggest to you, stop schooling, until mabakunahan ang lahat ng Pilipino. You resume your duty and you wait for another typhoon and see if the help that we extend is enough to your satisfaction,” ani Duterte.

Samantala, tila nalito ang Pangulo sa pagbabanta ng pagtigil ng pondo sa UP. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan niyang linawin kay Pangulong Duterte na ang mga estudyante ng Ateneo ang nagsagawa ng academic strike at nagsabing “criminally neglectful” ang gobyerno. (RBM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Patutsadahan sa pagtugon sa oras ng mga kalamidad, tigilan na
Next post Walang Academic Freeze, ayon sa DepEd
%d bloggers like this: