Banner Story

Pfizer/BioNTech vaccine kontra COVID-19, 95% epektibo

Sinabi ng Pfizer Inc nitong Miyerkules na ang huling resulta mula sa last-stage trial ng COVID-19 vaccine nila ay nagpakita ng 95% epektibo.

Aniya, ang kahusayan ng bakuna na binuo katuwang ang German partner na BioNTech ay consistent sa lahat ng edad at ethnicity sa isinagawang clinical trial. Ibigsabihin, ligtas itong gamitin sa pagbabakuna o immunization ng naturang vaccine kontra COVID-19 sa buong mundo.

Nitong Lunes, isa pang kompanya ang nakikipagsabayan sa Pfizer, ang Moderna Inc na naglabas din ng halos magkaparehong resulta na may 94.5% porsyentong epektibo sa Phase 3 clinical trial.

Dahil sa magandang resulta ng mga bakunang ito gamit ang makabagong teknolohiya na kilalang messenger RNA (mRNA), uunahing bigyang pagtugon ang mga healthcare workers ng United States para sa kanilang vaccination bago matapos ang taon.

Sa isinagawang clinical trials ng Pfizer sa higit 43,000 volunteers, nagkaroon ng 170 kaso ng naturang virus, 162 dito ay idinaan sa placebo arm at 8 naman ay nasa vaccine group.

Aniya, ang naturang bakuna ay well-tolerated at ang side effect lang nito ay ang pakiramdam na over fatigue na mabilis din nawawala.

Giit pa ng Pfizer at BioNTech na may plano silang makapagsumite ng datos sa iba pang regulatory agencies sa buong mundo lalung-lao na sa Estados Unidos upang mapabilang din ito sa peer-reviewed scientific journal.

Plano rin ng Pfizer at BioNTech na mag-apply ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration para masimulan na ang pamamahagi ng naturang bakuna.

Aniya, target nilang makagawa ng 50 million vaccine doses bago matapos ang 2020. Sapat daw ito para maprotektahan ang 25 milyong katao.

Inaasahan din na makakapag sumite ng datos ang AstraZeneca kasama ang University of Oxford ngayong Nobyembre o Disyembre. Maging ang Johnson & Johnson ay maglalabas din ng kanilang datos ngayong taon. (RBM)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.