
UP does not recruit for the communists as this is not its mission – opisyales ng UP

PINABULAANAN ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang mga akusasyon at bintang ni Pang. Rodrigo Duterte na nagsisilbing kuta o ‘recruitment ground’ umano ang naturang pamantasan para sa mga komunista.
Ayon sa inilibas na statement ng UP sa kanilang website, hindi sila nagre-rekrut para sa partidong komunista dahil hindi ito kasama sa kanilang misyon bilang isang institusyon.
“The University’s core mission is knowledge and innovation creation, production, and dissemination, using various approaches of knowledge transfer. UP does not recruit for the communists as this is not its mission,” paglilinaw nila.
Binigyang-diin din nila sa kanilang opisyal na pahayag ang mga ambag ng institusyon sa iba’t ibang disiplina partikular na sa pananaliksik at teknolohiya.
Anila, maraming naging ambag ang institusyon lalo na sa kasalukuyang malawakang krisis buhat ng pandemya.
“UP mobilized its multidisciplinary research expertise to address multiple COVID-19-related imperatives. For instance, it had more than 200 projects focusing on the molecular biology and clinical features of the virus; clinical trials on and evaluation of treatment,” pahayag ng mga opisyales ng UP.
Kabilang din sa kanilang mga ambag ang Covid-19 testing kits at mga pag-aanalisa sa mga sosyo-ekonomikong epekto ng pandemya sa bansa.
Dagdag pa rito, binigyang-pokus nila ang mga Isko at Iska na nagbibigay ng pampublikong serbisyo sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Kabilang sa mga nabanggit ay sila Presidential Spokesperson Harry Roque, Department of Education secretary Leonor Briones at Commission on Higher Education commissioner Prospero De Vera.
“In the executive branch, 15 members of President Rodrigo Roa Duterte’s cabinet graduated from UP. Several of them were/are still in our faculty, such as Secretaries Herminio “Harry” Roque Jr., Bernadette Romulo-Puyat, Leonor “Liling” Magtolis-Briones, Fortunato “Boy” dela Peña, CHEd Commissioner J. Prospero “Popoy” de Vera III, Wendel Avisado, and Joel Joseph Marciano, Jr.,” anila.
Iginiit din ng mga opisyales ng UP na hindi maaaring maging anti-government ang unibersidad dahil ito ay national university.
Dagdag pa nila, ang kanilang mga iskolar ay laging nakatuon sa ikauunlad ng bansa.
Ipagpapatuloy din daw ng institusyon ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng iskolar at teknikal na tulong sa pamahalaan, pribadong sektor at sambayanan.
“UP will continue to lead as a public service university by providing service to the nation including scholarly and technical assistance to the government, the private sector, and civil society,” anila.
Ipagpapatuloy ng UP ang kanilang pagsisilbi sa bayan na nakaangkla sa pangunahing prinsipyo nito: dangal at husay. (Ni Vivienne Audrey Angeles)