COVID-19 PH

Mahigit 10k na mga bagong gumaling sa COVID-19 naitala ng DOH ngayong araw, Nov. 22

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,968 . Mas mataas ito kumpara kahapon. Umabot na sa kabuong bilang na 418,818 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Pinakamaraming naitalang mga bagong gumaling ngayong araw na may bilang na 10,957. Kaya naman umabot na sa 386,486 (92.3%) kabuoang gumaling sa virus.

Samantala, nakapagtala naman ngayong araw ng mga bagong namatay sa COVID-19 na may bilang na 43, mas mababa ito kumpara kahapon. Kaya naman umakyat na sa kabuoang bilang na 8,123 (1.94%).

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba ng bahagya ang bilang ng mga aktibong kaso na may 24,209 o (5.8%) kumpara kahapon na may 8.0% aktibong kaso ng virus.

Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin official Facebook page ng DOH na nasa ibaba;

https://web.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/3914030081941548

%d bloggers like this: