SHOWBIS ATBP.

Maureen Wroblewitz, nagpositibo sa Covid-19

(Image: Maureen Wrobkewitz’s IG)

Nagpositibo ang Filipino-German fashion model na si Maureen Wroblewitz na kinalaunang kinumpirma niya sa kaniyang Instagram (IG) post.

Aniya, lubos siyang natakot sa kaniyang karanasan sa Covid-19 at lubos na sinubok ang mental health nito.

“It has been a very scary experience and it has taken a toll on my mental health,” saad niya sa kaniyang IG post.

Marami rin umano siyang natutunan sa karanasang ito.

Ayon sa kaniya, ang tanging magpapanitiling ligtas sa kaniya ay ang tanging sarili lamang.

“[I] should never let my guard at a time like this, to trust my gut instincts and also the only person you can only trust is yourself,” aniya.

“You can’t rely on other people to keep you safe. Sometimes not even the people closest to you [w]ill always have your back,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga netizens na laging sundin ang standard health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagpapanatili ng isang metrong layo sa mga taong makakasalamuha.

Sa kasalukuyan ay mas mabuti na ang kalagayan ni Wroblewitz.

“I am much better now and I am grateful to be alive,” saad niya.

Nakilala si Wroblewitz matapos niyang manalo sa Asia’s Next Top Model Cycle 5 noong 2017. (Ni Vivienne Audrey Angeles)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.