
Nagpapatuloy ang Aggressive Community Testing o ACT, nagsagawa ng libreng RT-PCR test, o swab test para sa mga residente ng Cainta at Taytay sa Rizal.
Nasa 400 na residente na kinabibilangan ng PWDs, dialysis patients, pregnant women, senior citizens at frontliners ang sumailalim sa swab test sa San Juan Gym sa Taytay na dinaluhan ni Vice Governor Jun Rey San Juan, M.D.

Ang nasabing serbisyong publiko ay programa ng NTF Against COVID-19 sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Government at Municipal Government ng Taytay.
Nauna nang isinagawa ang ACT sa mga evacuation centers sa bayan ng Montalban at San Mateo (Rizal), na sinalanta ng bagyo. (Ni Ella Luci)
Categories: Photo News