
Iniingatan at mahal na mahal ng mga production team ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa talent fee nito galing sa kanyang iniendorsong shopping app.
Dahil dito, si Kris Aquino ay laging may sakit pero nagpapatuloy pa rin ito sa trabaho sa pagharap ng camera, pero kapag hindi na niya talaga kaya agad nila ito sinasabi sa kliyente upang mabigyang aksyon.
Katulad noong nakaraang araw, habang nagso-shoot ng episode para sa isang brand ng home appliances kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby. Naging maganda ang araw ni Kris na tila maayos ang kanyang pakiramdam dahil nakuha pa itong makipagbiruan sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Aniya, “It’s a shoot day today, we’re doing kitchen staff for Philips (sabay tawag ng pangalan ng staff na nakasama pa niya sa Game Ka Na Ba show noon), hi everybody! Maging happy naman kayo kasi kahit hindi pa ako bayad, binayaran ko na kayong lahat, hahaha! Let’s be happy.”
Nabanggit din ni Kris na naghahanap siya ng isa pang nurse na kaya siyang buhatin dahil bago magsimula ang shoot at sinumpong ito ng vertigo at nawalan ng balance hanggang sa bumagsak.
“Kaya naghahanap kami ng isa pang nurse na sana yung kaya akong buhatin with benefits you know, SSS, PhilHealth, Pag-Ibig.” Pahayag ni Kris sa kanyang Instagram account. (Ni Ella Luci)
Categories: SHOWBIS ATBP.