Nicomedes San Miguel

Ang tanyag na Lualhati Bautista

Image: esquiremag.ph

Nicomedes San Miguel

Salamat sa Diyaryo Milenyo at binigyan ako ng pagkakataon upang maging bahagi ng kanilang pahayagan. Sa aking unang kolum dito, minabuti kong bigyang parangal ang nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw, marahil ay kilala na ninyo ang tanyag na manunulat na ito, siya lang naman ang sumulat ng nobelang Dekada ’70 na magpasa-hanggang ngayon ay patuloy pa ring binabasa at tinatangkilik, ‘di lamang ang Dekada  kundi pati ang iba niyang mga aklat na tumatalakay sa napapanahong isyu at patungkol sa katayuan ng kababaihan sa bansa. Siya rin ang maituturing na isa sa pinaka magaling na manunulat  ng ating panahon. Walang iba kundi ang nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw si Gng. Lualhati Bautista.

Nakilala ko si Ma’am Lualhati sa pamamagitan nang pag-mention sa kaniya sa aking FB post patungkol sa Dekada ’70 na aking nabili sa isang kilalang bookshop, nu’ng una’y nagda-dalawang isip ako kung bibilhin ko ba ‘to o tsaka na muna, mapalad ako dahil ang aklat na ‘yon ay hindi naka-balot kaya nabasa ko ang pagpapakilala ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Dr. Bien Lumbera at ang paunang salita sa mismong si Ma’am Lualhati ang nagsulat. Habang binabasa ko ang aklat sa loob ng bookshop ay may nagtanong sa’kin, “Sir, bibilhin n’yo po ba ‘yan? Bawal po kasi ‘yan,” sa aking pagtingin sa babae ay s’ya pala ay isa sa empleyado nang bookshop. Sa aking pagkakagulat ay sumagot ako ng, “opo bibilhin ko po ‘to” pasasalamat ko kay Bathala at may dala akong pera na sakto upang mabili ang libro.

Patuloy pa ako sa pagbabasa ng kaniyang nobela at habang tumatagal ay parang nakikita ko na kay Amanda Bartolome si Ma’am Lualhati, matapang, mapagmahal sa mga anak at may paninindigan.

Ipagpaumanhin, ngunit sa tooto’y ‘di ko pa natatapos basahin ang libro kaya naka-tarangka pa rin na magbigay ako ng pangaral o opinyon at baka ma-bash po tayo, [haha], biro lang po.

Bilang pangwakas, kay Gng. Lualhati Bautista ang aking pagbati ng maligayang kaarawan ng inyo pong pagsilang, nawa’y kamtan n’yo pa po ang marami pang mga kaaarawan at bigyan ng Diyos ng mahabang buhay upang maging inspirasyon sa’ming mga kabataan. (Ni Nicomedes San Miguel)

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Ang tanyag na Lualhati Bautista

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: