Queen Elizabeth II, magpapaturok ng COVID-19 vaccine sa mga darating na linggo

Read Time:1 Minute, 53 Second

Matapos ang pagbibigay ng emergency approval ng UK regulators para sa kauna-unahang vaccine kontra COVID-19. Isa si Queen Elizabeth sa libo-libong magpapaturok ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech na sisimulan ang unang roll-out sa buong mundo sa susunod na linggo.

Si Queen Elizabeth, 94, at ang kanyang asawa na si Prince Philip, 99, ay nasa linya ng mga isasailalim na pagbabakuna gamit ang Pfizer-BioNTech coronavirus vaccine, para makuha ang vital jab o inoculation ng mas maaga dahil na rin sa kanilang edad ayon sa ulat ng The Daily Mail. Mariin ding sinabi ng pahayagan na ang mga senior royals sa Britain ay dapat magpahayag upang hikayatin ang mas maraming tao na mag-take up ng vital jab sa gitna ng mga takot na tinatawag na anti-vaxers.

Nito lamang Miyerkules ay nagbigay ng emergency approval ang Britanya para sa paggamit ng Pfizer-BioNTech vaccine katuwang ang health officials base na rin sa inilabas na criteria para sa mga may edad at vulnerable sa paggamit ng naturang bakuna.

Una nang bibigyang prayoridad ang Elderly care home residents at ang mga nangangalaga rito, sunod naman ang mga edad 80 pataas, ang mga frontline health and care staff at ang mga exposed sa naturang sakit ay kanilang tutugunan ng bakuna para sa inoculation ng mga ito.

Ang mga high-profile sa Britanya ay nakatuon din sa publiko para mapalakas ang bakuna na ito. Kabilang dito ang Monty Python star na si Michael Palin at si Bob Geldof.

Nakakalap na ang Britanya ng naturang bakuna na may kabuoang 40 million doses, inaasahan na ang initial batch na 800,000 ay maihahatid na sa susunod na linggo para sa first roll out nito.

Ang mga planong hakbang na ito ay upang matiyak na anumang komplikasyon ay hindi makakaapekto sa roll-out nito hanggang sa dulo ng Brexit transition sa Disyembre 31.

Ang bakuna ay manufactured ng Pfizer sa Puurs, Belgium, at ihahatid naman ng mga barkong may temperature-controlled thermal upang mapanatiling ligtas ang naturang bakuna.

Samantala, sinimulang ipamahagi ng Moscow ang Sputnik V COVID-19 shot sa pamamagitan ng 70 clinics nitong Sabado para sa pinakalantad sa sakit at isasagawang first large-scale vaccination kontra COVID-19 sa naturang bansa. (Fb.com/rexmolinesofficial)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Principal thanks Rep. Hernandez for initiating a new gymnasium project for their school in Koronadal City
Next post Christmas Tree Making Contest, suportado ni Kapitan Glenn S. Evangelista
%d bloggers like this: