
Konsehal tumawid sa maputik na daan at sapa para lang ihatid ang tulong sa mga residente na nakatira sa bulubunduking-bahagi ng Koronadal City

KORONADAL CITY (Region 12), Philippines — Abot-langit ang tuwa ng mga residente ng isang malayong bahagi ng Barangay ng Saravia ng lumitaw sa kanilang harapan ang dating beauty queen na ngayon ay konsehal na ng siyudad ng Koronadal na si City Councilor Maylene Bascon-De Guzman.
Makikita sa larawan na kasama ni Konsehal Maylene (nakasout ng pula na pantalon) kasama ang kanyang mister na si Mark De Guzman na tumatawid sa sapa matapos lakarin ang masukal na daan papunta sa Sitio Lamalna ng Barangay Saravia ng siyudad na ito.
Ayon sa report na natanggap ng Diyaryo Milenyo, nagpunta si Konsehal Maylene, kasama ang kanyang mister at staff nito, sa Sitio Lamalna upang personal na ihatid doon ang ni-request nilang “pala” at “bara” upang maayos ng mga residente ang kanilang maputik na daan.
Ayon sa report, kilala si Konsehal Maylene na isang opisyal ng siyudad na “aktibo” at pumupunta sa mga lugar na malalayo upang bisitahin ang mga residente at maghatid ng kanyang konting tulong sa kanila.
“Nagatabok tana na siya sa sapa kag nagalusong sa lutak para lang makadtoan ang gusto niya kadtoan nga lugar para bisitahon kag tagaan sang gamay nga bulig niya (Tumatawid siya sa sapa at lumulusong sa putik para lang puntahan ang gusto nitong puntahan na lugar at kahit papaano mabigyan niya ng konting tulong),” sabi ng kanyang staff.
Si Konsehal Maylene ay galing sa mahirap na pamilya. Nagsikap at nagtrabaho para makapagtapos ng pag-aaral. Noong 2003, naging Lakambini ito ng Koronadal City dahil sa angking talino at ganda. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Jennifer Miles fb account)