Maintenance crew ng First District Engineering Office ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat abala sa pag-repair at pag-repaint ng guardrails sa mga national highway

Read Time:47 Second

ISULAN, Sultan Kudarat — Abala sa pag-repaint ngayon ng “highway guardrails” na makikitang naka-install sa tabi ng Marbel-Allah Valley-Cotabato Road ang ilang maintenance crew ng First District Engineering Office ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat habang papalapit ang dalawang malaking okasyon ng taon.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ang nasabing mga okasyon ay ang “Christmas Day” at ang “New Year’s Day,” kung saan inaasahan ang paglitaw ng malaking bugso ng mga motorista sa mga national highway.

Ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO, bago i-repaint ang guardrail, nire-repair at nilinis muna ito ng maintenance crew ng DPWH.

Ang pag-repaint ng guardrails ay bahagi ng “maintenance works” ng DPWH na ang layunin ay maging maayos, ligtas at maganda ang mga national highway ngayong Christmas season.

Ang Marbel-Allah Valley-Cotabato Road ay isa sa mga national highway sa probinsya ng Sultan Kudarat na nasa ilalim ng pangangalaga ng DPWH-First District Engineering Office. (ABDUL CAMPUA)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Stay Connected in a Long Distance Relationship
Next post Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu kinonsidera na “idol” at “mentor” ni Mayor Randy Ecija Jr.

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d