Photo News

Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu kinonsidera na “idol” at “mentor” ni Mayor Randy Ecija Jr.

SULTAN KUDARAT, Philippines — Kinonsidera ni Mayor Randy Ecija Jr. ng bayan ng Senator Ninoy Aquino (or SNA) sa probinsya ng Sultan Kudarat si Governor Dr. Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD na isa sa mga dahilan kung bakit nabibigyan at humahakot ng “awards” (mga parangal) ang kanyang bayan.

“He is my idol and my mentor,” sabi ni Mayor Ecija na ang tinutukoy nito ay si Governor Mangudadatu.

Ayon kay Mayor Ecija, dahil sa magandang-pamamahala ni Governor Mangudadatu sa probinsya, inspirado ito na magbigay din ng magandang-serbisyo sa mga mamamayan ng SNA na sa paniniwala nito ang siyang dahilan kung bakit nakatanggap ng maraming mga parangal ang kanyang bayan.

“Sa probinsya ng Sultan Kudarat, bawat isa ay kapamilya na dapat pahalagahan (or bigyan ng halaga). Yan ang natutunan ko kay Governor Mangudadatu. Lahat ay binibigyan (or nabibigyan) ng halaga at tumatanggap ng magandang mga serbisyo,” sabi ni Mayor Ecija.

Iginiit ni Mayor Ecija na ipinaramdam at ipinakita sa kanila ni Governor Mangudadatu ang tunay na pagmamahal ng isang kapamilya.

“Ganon din ang ipinakita at ipinadama ko sa mga taga-SNA. Ipinakita ko sa kanila ang tunay na serbisyo-publiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at mga proyekto na makakapagbigay-benepisyo sa kanila,” sabi ni Mayor Ecija.

Naniniwala si Mayor Ecija na dahil sa makamasang-liderato at magagandang mga proyekto at mga programa na ipinatupad nito ang dahilan kung bakit napansin ng ibat-ibang mga ahensya sa nasyonal ang kanyang bayan.

Magmula ng umupo si Mayor Ecija bilang bagong alkalde ng SNA, tumanggap ito ng maraming mga parangal sa lokal at nasyonal. (RASHID RH. BAJO) 

Categories: Photo News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.