
MP Toy Mangudadatu namigay ng mga bigas at tulong-pinansyal sa mga Ulama

PANDAG, Maguindanao — Naniniwala si Member of Parliament (MP) Khadafe “Toy” Mangudadatu ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mahalaga ang papel ng mga mga “Ulama” (or preacher) sa pagpapalaganap ng mensahe ng kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay MP Toy Mangudadatu, ang mensahe ng kapayapaan ay makokonsidera na isang mabisang sandata upang ma-counter ang banta ng tinatawag na “violent extremism” sa Bangsamoro.
Iginiit ni MP Toy Mangudadatu ang nasabing mahalagang-papel ng mga “Ulama” sa kanyang mensahe sa kanila.
Last week, binisita at dinalohan nito ang isang pagpupulong nga mga “Ulama” sa bayan ng Pandag sa loob ng isang “Masjid” doon.
Pagkatapos ng meeting ng mga Ulama, kaagad namang namahagi ng bigas at nagbigay si MP Toy Mangudadatu ng cash assistance sa kanila.
Ayon kay MP Toy Mangudadatu, kung binigyan ka ng blessings ni Allah (SWT), dapat mo itong ibalik sa iba.
“You will find that Allah has given you things without asking, and we should be grateful for all the blessings we received,” sabi ni MP Toy Mangudadatu.
“And one way of giving back, as a gesture of appreciation is sharing our blessings with the people who worked hard in providing guidance and spreading our Creator’s words —the ulamas and ustadjes,” giit pa ni MP Toy Mangudadatu.
Hindi naman nasorpresa ang mga Ulama sa ginawang pamamahagi ng bigas at pagbigay nito ng cash assistance sa kanila dahil kilala nila si MP Toy Mangudadatu na isang mapagbigay at matulungin na lider ng Bangsamoro sa mga residente. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to MP Toy Mangudadatu)