4 na bagong HONDA ADV-150 handog ni Mayor Voltaire Ricafrente sa Rosario MPS sa Cavite

ROSARIO, CAVITE — Mayroon ng magagamit na bagong motorsiklo ang Rosario PNP matapos na pormal ng ibigay ni Mayor Voltaire Ricafrente ang apat (4) na bagong Honda ADV 150 kay P/Capt. Zacarias Balleber Jr. PCP (Police Community Precint) Commander.

Mula pa noon hanggang ngayon patuloy ang ating pagsisikap na matugunan ang bawat pangangailangan ng ating mga kapulisan.

“Alam ko po na malaki ang maitutulong ng apat (4) na motorsiklo na ito sa ating mga kapulisan para sa agarang pagtugon at aksyon upang ang ating bayan ay manatiling tahimik, masaya, at maunlad,” paglalahad ni Mayor Voltaire Ricafrente.

“Maraming salamat po sa pagbibigay na apat na unit ng motor sa Rosario PNP. Ito ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng katahimikan ng bayan ng Rosario. Sa pamumuno ni PLTCOL Jowie B. Lucas ang aming taos-pusong pasasalamat at patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal.” pagtatapos ni PCAPT. Zacarias Balleber Jr.

Ginanap ang simpleng seremonya sa Isla Bonita ngayong Enero 4, 2021 na sinaksihan ni Lea Columna, GSO Head at PSSG Maria Lara Bencito, Finance PNCO. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.