
Mahigit 500 miyembro ng grupo ng Tau Gamma Phi ang nagsagawa ng linis-dalampasigan sa Isla Bonita ngayong araw.
Kaisa ang mga treskilion sa layunin ng lokal ng pamahalaan na muling manumbalik ang ganda ng Isla Bonita.

Pinangunahan ni Dahbler De Guzman, Chairman of Tau Gamma Phi Rosario Council ang nasabing paglilinis.
“Kahit sa simpleng paraan ay makatulong kami upang higit na mapaganda at malinis ang Isla Bonita. Masaya kami sa ganitong pagkakataon”, wika ni Dabhler De Guzman.


Samantala, pinasalamatan naman ni Mayor Voltaire Ricafrente ang lahat ng bumubuo ng Tao Gamma Phi. Magugunitang una itong sinimulan ni dating Mayor Nonong Ricafrente na itinuturing na Alamat ng Rosario.
“Maraming salamat sa lahat ng myembro ng Treskillion at naging bahagi kayo ng ating paglilinis ng Isla Bonita. Tulad ng isang kapatirang naghahangad ng isang maayos na samahan tungo sa isang maunlad na pamayanan, iisa ang ating adhikain ang mapaganda at manumbalik ang kaaya-ayang pustura ng Isla Bonita”, wika ni Mayor Voltaire Ricafrente. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)
You must be logged in to post a comment.