
Sawa nahuli sa Rosario Cavite ngayong araw, Enero 10
Read Time:29 Second

Isang sawa ang nahuli sa Himlayan, Brgy. Tejeros Convention, Rosario Cavite ngayong araw, Enero 10, 2021.
Ayon sa mga residenteng nakapanayam ng Diyaryo Milenyo, may habang 13 talampakan ang naturang sawa.

Pauwi na sana ang magkaibigang Clemente Morada, 24 taong gulang at Jovan Canonigo, 16 taong gulang nang makita nila ang nasabing sawa na gumagapang paakyat sa puno ng balete.
Agad ipinagbigay alam ito sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Ito ang unang sawa na nahuli ngayong taon sa bayan ng Rosario, Cavite. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.