Policewoman, huli sa akto ng pagtulong sa isang matandang babae sa Rosario Cavite

Read Time:44 Second

TATANDA RIN TAYO: ROSARIO, CAVITE – Huli sa akto ang pagtulong ng isang pulis sa isang matandang babae.

Hirap maglakad ang matandang babae dahil paika-ika lang ito kung maglakad gamit ang kanyang foldable walkers.

Pauwi na sana ang matandang babae na nakilalang si Lola Gregoria Lontok ng Brgy. Silangan 1 upang sumakay ng tricycle nang makita ito ng pulis na nakilalang si PEMS Maria Felicar Isunza na nakatalaga sa Rosario MPS.

Dahan-dahan niya itong inakay at inalalayan hanggang sa makasakay sa tricycle.

Isa lamang ito sa mga eksenang madalas nating makita sa kalsada.

Mga matatandang tumatawid, sumasakay, namamalimos, at nagmamakaawa na nagkalat sa kalsada.

Subalit bibihira ang pumapansin sa kanila. Kaya naman sa ganitong pagkakataon, higit nating pasalamatan ang isang katulad niyang alagad ng kapulisan na may gintong kalooban at mahusay na ginagampanan ang tungkuling sinumpaan. SALUDO PO KAMI SA’YO MA’AM! (Ni Sid Luna Samaniego)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Linis-dalampasigan sa Isla Bonita, isinagawa ngayong araw
Next post SEC APPROVES COUNTRY’S FIRST CROWDFUNDING PORTAL
%d bloggers like this: