Photo News

Anak ng mayor sa Maguindanao ginawaran ng “With High Honors” dahil sa talino nito

SHARIFF AGUAK, Maguindanao (BARMM) — Umani ng mga papuri sa social media ang isang 8-year old na anak ng isang alkalde sa probinsya ng Maguindanao dahil talino nito.

Pinuri nila si Bai Maropa Ampatuan dahil sa nakuha nitong “with high honors” na parangal mula sa isang sikat na “International School” sa General Santos City, kung saan tinaguriang “The Tuna Capital of the Philippines.”

Sa interbyu sa kanya ng DIYARYO MILENYO sa messenger, sinabi ni Em Dimacuta Mangudadatu Ampatuan, nanay ni Bai Maropa, na siya at ang kanyang mister na si Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan ay masyadong “proud” sa kanilang anak.

“We are so happy about her achievement,” sabi ni Mrs. Ampatuan sa messenger interview sa kanya.

Ayon kay Mrs. Ampatuan, si Bai Maropa ay “mabait” at “masayahin” na bata.

Sinabi ni Mrs. Ampatuan na pangarap ni Bai Maropa na maging isang “lawyer” balang-araw.

Si Bai Maropa ay Grade 2 pupil ng “Stockbridge International School” sa General Santos City, kung saan ang ilang prominenteng mga pamilya sa nasabing siyudad ay doon nag-aaral. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Em Dimacuta Mangudadatu)

Categories: Photo News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.